Home

Advertisement

Qwerty

> Recent Entries
> Archive
> Friends
> User Info
> previous 20 entries

November 22nd, 2009


03:58 pm - Pasahero blues
I.

Nag-disperse na kami ng mga kaibigan ko nang biglang umulan. Sumabay sa kaway ng aming kamay ang mga patak, palakas ng palakas, parang wala ng bukas. At tipong alerto ako, dali-dali akong humanap ng silong. Ayun. Leche. Ulan na naman. Pauwi na ako, uulan pa. Leche. Heto na naman tayo.

II.

Marami na akong karanasan sa pag-ulan at pag-uwi ng bahay. Nung first year college, napag-pasyahan naming magkakaibigan na pumunta sa Alabang para maghanap ng isang klase ng tsinelas, at nung pauwi na kami, biglang umulan. [1] Nasa extreme south ako ng Maynila, habang nasa extreme north naman ang aking bahay. Okay lang sa akin yun dahil kaya ko namang tahakin ang daan pero kung ang pagitan sa dalawang extreme na direksyon na iyon ng ka-Maynilaan ay isang humahagibis na ulan, e puta, ewan ko na lang. Ayun, isang mahaba at mahirap na journey ang naganap. Nung patapos naman ako ng kolehiyo, tinahak ko ang abot-tuhod na baha at ga-dangkal na ulan mula Ayala papuntang Taft para lamang paki-usapan ang grade ko para maka-graduate ng oras. [2] Hindi nila ako pinagbigyan, pero pinayagan naman nila ako kunin ang subject na iyon sa summer.

III.

Matagumpay naman akong nakasakay sa LRT. Nakipagsiksikan, sikuhan, para makaabot sa gitna kung saan walang tao. Derecho agad ako sa sakayan ng FX pagbaba ko ng LRT, at pagpunta ko sa sakayan sumambulat sa akin ang isang mahabang pila ng tao. Tiniis ko na lang yung pila, tutal umaandar naman. Sampuan ang sakay sa mga fx, minsan siyaman lang kapag may chicks ang driver sa tabi niya at matapos ng halos isang oras na paghihintay pasok na ako sa bangko na naghuhudyat na pasahero ka na sa susunod na dating ng fx. Mga ilang minuto pa nang biglang magsignal ang barker sa harap. Akala ko nanghihingi na siya ng bayad sa mga pasakay subalit baliktad na transaksyon pala ang nagaganap: isinasauli na ng barker ang mga pera ng mga nagsipagbayad na. Wala na raw darating na fx, pasensya raw dahil ngayon lang niya nalaman. Anak ng lintik. Umalis na yung mga nakapila, yung iba pinabaunan muna yung barker ng mura, yung iba dumerecho alis na.

Lumabas na ako sa sakayan at inisip kung saan ako susunod na sasakay. Naalala ko may jeep na pwedeng masakyan na dadaan ng quirino, meron din namang sakayan sa SM. At tipong maarte ako at gustong palaging naka-aircon, agad akong sumakay ng bus papuntang SM para makasakay ng fx. [3]

Malamig sa loob ng bus, konti lang din ang tao para isang sabado. Paandar na kami nang matapos ng ilang metro biglang huminto ito ulit. Puta, trapik. Malas nga naman talaga.

Ang isa sa pinaka-gusto ko sa pagsakay sa mass transportation ay yung pag-andar rin ng iyong stream of consciousness. Sa loob ng bus naisip ko: ilang beses na sa akin nangyayari ito, "walk in the park" na lang ito kumbaga; paano mo maeexplain ang katahimikan? Mabibigyang-hustisya ba ito kapag inexplain mo pa? Bakit katawa-tawa ang magpa-"rambo" sa radyo? Sino kaya ang bakla kina Papa Bear at Papa Kiko, at bakit hanggang umaga ang shift ni Papa Bear? Mas mataas ba sweldo niya? [4] Mamaya pag-uwi ko sa bahay gagawa ako ng blog tungkol sa kamalasan ng araw ko; bakit kaya nagawa ni Winnie Monsod iyon kay Mikey Arroyo [5], parang gusto ko tuloy payuhan si Mikey na huwag ngumiti at pa-subtle na sabihan niya si Winnie Monson na "Lola, tumigil ka na" imbis na "tita"; ano ang nagko-constitute sa isang mutual agreement?; hindi talaga ako marunong bumasa ng signs mula sa mga kababaihan; I go for Pacquiao - Krista Ranillo, boxing match, hindi love team; anong klase ang kanin ng Sumibiyakid's 6] kung bakit ako sukang-suka sa lasa nito; ang search ng mga estudyante mula sa ibang schools sa Sherwood ng mga Lasalista ay epic in the making, [7] kasi hindi nila ito mahahanap, ako rin nahihirapan; pag-uwi ko ng bahay sana may cake. ---- At matapos ng ilang minuto nasa SM na pala ako, sandali lang pala ang trapik. Pagbaba ko ng bus agad kong inakyat ang footbridge. At tulad ng mga hagdan na inakyatan ko na nang patakbo, umakyat akong parang si Rocky, yung tipong pajog-jog, yung mukhang pagod pero determinado.

Pagdating ko sa terminal ng mga fx agad kong nakita ang isa namang mahahabang hanay ng mga pila. Isang malaking terminal kasi yung nasa fx at bawat sakayan dun ay may kaakibat na mahabang pila. Yung pila ng sasakyan ko may apat na layers ng mahahabang pila, estimate ko 4 na fx pa ang darating bago ako makasakay. Dun ako matagal naghintay. Mga isang oras mahigit din. Paalis na ang ilan sa SM.

Nakasakay naman ako sa FX pero nung malapit na ako sa madalas kong babaan biglang kumaliwa ang sinasakyan ko palayo sa dapat ko ngang babaan. Ito pala ang ruta ng fx na ito, matagal ko na kasing hindi nasasakyan eh. Bigay ng sitwasyon, bumababa ako kaagad at nag-tricycle papunta sa madalas kong sinasakyan ng jeep. Umuulan pa rin nun, at sobrang mahal ng tricycle (PHP 35.00) [8] at nagmistulang gray na ang puting polong suot ko kaninang umaga lang. Bahala na, pauwi na rin naman ako eh.

IV.

Nakauwi naman ako ng matiwasay, pagod na pagod, humahagulgol para sa pagkain at kama. Kailangan ko na ng totoong pahinga.





_____________________

1. Biglaan ang lakad na iyon. Mula sa La Salle dumerecho kami papunta sa Lawton upang sumakay sa Park and Ride (Park and Die, dahil delikado buhay mo rito) papuntang Alabang. Naglakad kami ng ilang oras para hanapin ang lintik na tsinelas na iyon. At tipong hindi naman ako yung bibili at isang mistulang kuyog lang, ang tanging rason ko lang sa pagsama ay pagkakaibigan at paghahanap ng adventure sa nakatatamad kong buhay.

2. "Untitled". 2009, May 1. wakeupjoe.livejournal.com

3. Matapos ko itong ikwento sa aking magulang napag-alaman kong mayroon palang isa pang sakayan ng fx kalapit ng sakayan na inalisan ko.

4. Naabutan ko minsan na nagpapaalam na si Papa Kiko kay Papa Bear isang umaga. Ito yung araw na pag-uwi ko ng bahay ay naabutan ko yung nanay ko na gagawa na ng agahan.

5. Matatagpuan sa: http://www.youtube.com/watch?v=4q0JKzpjh_o at http://www.youtube.com/watch?v=_B6I8h24sC8&feature=related.

6. May halong carrots ang kanilang kanin na medyo fried rice ang dating kung titignan sa malayuan pero pag natikman mo na parang may ihinalong hilaw na isda rito dahil sa sobrang lansa.

7. Malapit ang Sherwood sa La Salle pero hindi mga tagaroon ang gumigimik dito tuwing gabi. Ayon sa aking source, naghahanap raw ang mga estudyanteng ito mula sa ibang schools ng mga Lasalistang mapipick-up. Malas nila.

8. Wala pang isang kilometro yung tinahak ng tricycle, at pababa rin yung daan na ginamit namin kaya malamang naka-tipid siya sa gasolina.


(Leave a comment)

November 15th, 2009


01:38 am - From what I see on forums
1.

We should not enmesh the issue of public welfare when talking about politics, especially when its about politicians and not their trade or the process thereof.

Diatribes against politicians, as held by most people, be it on the street or in an academic institution, websites, and media what have yous, tends to lean on a certain personal history. When we talk about a candidate, we find it inevitable to dig their shelves for skeletons, our eagerness is on the fact that he/she has done the world some misdeed. A critique? Not. Because along the highway of that fact-finding leads to that inescapable and mostly controversial, seemingly life-bending adornment of a conclusion that that "chosen one", that isolated, yet not forlorn politician, is not trustworthy. And the issue of trust is the ace, the only, acceptable, ace. Seen wearing your poker face? That's a vote gone. A miniscule, nanosecond smirk is the same velocity of your political dream going to waste.

What follows after that is the generalization of every microscopic blot on the fabric of your history as first-class filth that you would want to rid off. Now every stellar exploit is veiled with malice and not a tad bit of it would be considered moral. Suddenly there are no good intentions. And most people think that's the goodness of it. And now some will proclaim our country's hopeless state.

A decade of these would form a mentality. Few wars won with that as a badge will give us culture.

All of that for the digging of histories of few men.

2.

We cannot equate the histories of these men, these politicians we say, to our welfare. No one is entitled to bring manifest destiny. The fact itself that we have shaped a culture out of the public's randomness of concern and reaction proves to us that the affairs of the public is for the public to put up. The election of a prime governmental seat should just be there to supervise us.

These digging up of histories is rather a folly which could equal our entertainment news. It cannot say what would happen, or what is probable to happen. It lends nothing to the future.

3.

Now if a detailed platform is what is lacking then let us not scrutinize. Let's make one instead. And as to what would constitute this is starving for debate.

(Leave a comment)

October 24th, 2009


11:46 pm - Fx politics
1.

Palagi na lang nating naririnig ang katagang "pulitika na naman!" bilang isang ekspresyon sa pagkasawa natin sa pulitika. Pero ang nalilimutan ng lahat ay hindi lamang nakareserba sa mga pulitiko't artistang nagsisikawayan ng kamay hanggang sa magka-kulani ang salitang pulitika. Lahat may pulitika. Pati pagpunta sa CR, kunwari may nakasabay ka pagpasok sa pinto ng palikuran, papaunahin mo ba ang nakasabay na ito? Ano ang kriterya mo kung bakit mo siya pauunahin o hindi? Pagmumukha ba? Sense of urgency? O tipong ayaw mo lang makasabay ang taong ito kaya pinauna mo na siya at kunwari'y hindi na tutuloy? Iyon, pulitika iyon.

2.

Yung pinaka-karaniwang pulitika na nakikita ko sa araw-araw ay yung pulitika sa paglalagay ng pasahero sa fx. Minsan kapag natiyempohan mong naghihintay sa terminal ang fx ng pasahero dahil wala ng pila, pansinin mo yung barker, pansinin mo kung saan ka niya pauupuin, kung anong pinto ang bubuksan niya para ihatid ka sa uupuan mo.

3.

Ganito yun. Sa ilang taong ko ng pagsakay sa fx napapansin ko na ang mga ito.

Kapag ikaw ang unang pasaherong pupunta sa fx, dalawang pinto ang pwedeng buksan sa iyo: yung sa harap at sa gitna. Ngayon kung ikaw ay babae, medyo slim, medyo may itsura, malamang dun ka sa harap pauupuin. Kapag wala ka namang itsura at pigura e baka sa gitna naman. Kapag lalaki naman kadalasan sa gitna. Pero depende pa rin, kunwari ikaw yung tipong lalaki na mukhang may pera at mukhang disente, edi dun ka sa harapan. Kapag hindi naman sa gitna ka. Bihira lang sila magpasakay sa likod kapag wala pang nakasakay sa fx. At kapag pinasakay ka nila sa likod, ibig sabihin ayaw ka makita ng driver, at ayaw niyang makita ka na nakasakay sa kanyang fx.

Kapag medyo matanda ka na at medyo may pera, sa harap ka malamang. Kapag medyo matanda ka lang, sa gitna o likod. (note: matanda, edad 40 to 55, at "able" pa.)

Isa ring underlying rule ang "suki system". Kapag suki ka ng terminal na iyon, dun ka sa harap, at huhulaan pa ng barker kung saan ka bababa.

4.

Kapag suki ka , allotted ka sa maraming perks and privileges na pwedeng ibigay sa iyo ng terminal. Tulad ko, suki ako ng isang terminal, kaya nararamdaman ko minsan yung mga perks na ito.

Kapag suki ka, sa harap ka nila pauupuin kapag wala pang nakaupo rito. Kapag lalaki ka, ipapares ka nila sa babae bilang katabi sa harap. Kapag babae ka naman, ipapares ka nila sa isang babae din o kaya sa isang lalaking suki o isang lalaking kaaya-aya. Pwede ring matchmaker ang mga barker, akala niyo.

Hindi rin sila magrereklamo kapag magbigay ka ng 500 o kaya 1000 peso bill. Sasabihin lang nila na mamaya na lang yung sukli mo.
(Hindi ko pa alam kung pwede ka mangutang, hindi ko pa nasusubukan eh)

Medyo masalita rin ang barker kapag bubuksan niya ang pinto para sa iyo. Alam niya na kasi kung saan ka bababa.

Kapag nagkaroon ng aberya sa pagsakay, dinig agad ang problema mo at sa halip na ma-badtrip sila sa kakareklamo mo, medyo apologetic pa sila.

Kapag baguhan at hindi masyado frequent sa terminal, neutral lang ang turing nila sa iyo. Pero applicable pa rin yung mga sinabi ko sa number 3.

5.

Meron pang isang kapansin-pansin sa pagsakay sa fx. Yung mga babae, madalas sa harap umuupo nang boluntaryo, habang ang lalaki naman palaging sa gitna o sa likod. Yung mga babae, bihira naman umupo sa likod (granted na bakante pa ang gitna at harap).
Sa tingin ko (at base na rin sa nailagay ko sa number 3) merong mutual agreement ang driver at isang babaeng pasahero: yung driver gusto yung mga babae sa harap (common din ito sa jeep) habang yung mga babae rin naman gusto sa harap.

(1 comment | Leave a comment)

October 22nd, 2009


08:10 am - Urinary system
1.

Training pa lang kami ngayon sa trabaho. Wala naman akong problema talaga, ang problema ko lang ay madalas akong maihi. Bawat oras nararamdaman ko yung urge na pumunta sa CR, bawat sandali nagpipigil ako.

Parang sirang pipe ng NAWASA ang aking urinary system, parang tubig sa San Roque dam na kating-kati kumawala.

2.

Hindi ko alam kung bakit ganito  yung urinary system ko, pero marami na akong sinisisi sa aberyang ito.

Una ay iyong madalas kong pag-inom ng kung ano kapag break. Kapag break umiinom ako ng isang basong tubig, at kapag naubos ko na yung tubig na iyon, saka ko naman sasabayan ng coke, c2 o kaya ng kape. Hindi kasi ako makuntento sa tubig lang, para bang nasanay na ako na lahat ng ipinapasok ko sa aking bibig ay may lasa.

Pangalawa ay iyong airconditioning. Kadalasan naman ay full blast ang air conditioning sa mga opisina, at hindi na exception yung sa amin. Isa pang consideration dito ay ang hindi ko pagdadala ng jacket dahil lamang sa rason na hindi ito tugmang isuot sa bawat damit na isinuot ko sa pagpasok. Maarte na kung maarte, pero nabuhay na akong hindi nagdadala ng jacket sa mga inaasahang malalamig na lugar. Dati nagpunta kami sa Tagaytay at (tama ka) wala akong jacket at kumot, at iisa lamang ang aking pantalon, lahat shorts na. Kapag umuulan naman payong ko palagi ang aking bag o palad.

Pangatlo ay yung pagiging unhealthy ko. Matagal ko ng inaamin na unhealthy ang pamumuhay ko. Simula kolehiyo umiikot lamang sa stress, hunger, junk foods, sugar, caffeine, usok sa jeep, di tamang oras ng pagkain ang aking buhay. At lahat ng ito ay hindi ko rineremedyuhan sa pamamagitan ng simpleng exercise. Nakakatamad kasi. Saka na, kapag 30 na.

3.

Isang araw bigla akong na-curious sa condtion ko kaya habang breaktime ginoogle ko ang causes ng aking problema. Tinype ko lang sa google "cold temperature pee much" at maraming lumabas na dahilan.

Una rito ay kapag malamig ang temperatura, bumabagal ang blood flow papunta sa balat dahil sa constriction ng blood vessels. Dahil dito ay tumataas ang blood pressure, at para pantayan ito ng ating sistema, nagpapakawala ang katawan natin ng tubig na bitbit ng ating dugo sa pamamagitan ng urine.

Pangalawa naman ay nagdadala raw ng Aquaporine ang cold temperature. Hindi lang ako sure pero related ito sa unang rason kong nabanggit.

Pangatlo ay nakakapag-dehydrate raw ang mga tea at coffee sa atin sa pamamagitan ng pag-ihi ng madalas. Dahil daw sa mga ito, nag-iincrease ang kidney activity at kapag nag-iincrease ito kailangan na nitong magpakawala ng tubig.

4.

Sa lahat ng nabasa ko tungkol dito hindi man lang ako nakakita ng solusyon, basta lang daw wag masyado uminom ng liquid.

5.

Pero 'di ko rin maikakaila na kapag nag-CR ka ay may pakiramdam ng liberty. Alam mo yung tipong kapag lumabas ka ng isang silid maiisip mong lahat ng kasama mo ay nasa silid pa rin habang ikaw ay nasa labas at may kakayahang gawin ang kung anong makakaya? Ganun ka-liberating ang pagCR.

(Leave a comment)

September 28th, 2009


10:02 pm - Matapos ng bagyo


1.
Eto na pala ang eksena sa labas, ngayon ko lang nalaman. Wala na kasing kuryente sa amin habang bagyo kaya ayun, nawala na rin yung mga koneksyon ko sa mga tao.

2.
Dalawa ang supply ng kuryente sa subdivision namin: merong galing sa subdivision mismo at meron namang galing pa sa ibang barangay. 80% ng kuryente ng buong kabayahan dito sa amin ay galing sa supply ng subdivision at 20% naman ang galing sa labas. Kaya kung biglang nagkatopak at humimlay na ang poste ng meralco sa aming subdivision malamang 80% mawawalan ng kuryente at masasalba ang natitirang 20%. Yun ang nangyari sa amin. Consistent ito tuwing may brown-out .

Ang masakit dito ay ang nasasalbang 20% ay nasa bungad ng aming subdivision. Kunwari galing ka sa isang lakad, tapos alam mo na na may bagyo kaya umuwi ka na kaagad. Pagpasok mo sa subdivision, ayun sitting pretty ang mga tao. Nakatengga sa harap ng kanilang TV. So ayun, drive ka lang papunta sa bahay niyo. Tuwang-tuwa ka pa dahil may kuryente pa kayo at isa ka sa mga pinagpala ng lubusan. Hanggang sa kumanan ka na sa street niyo at biglang dumilim ang paligid. Iyon na. Brown out sa inyo.

Naranasan ko na rin dati na magka-brown out ng ilang araw. Panahon ni bagyong Rosing. Tandang-tanda ko pa. Walang klase ng apat na araw. Irinesume lang ito nung sabado (na wala ring pasok), kaya isang linggo ang bakasyon mo. Nung ikalawang araw na ng brown-out napagdesisyunan naming pumunta muna sa mall upang mamili. At yun, habang tinatahak namin ang hanay ng mga bahay na iyon sa bungad ng aming subdivision napaisip ako kung gaano kaya kasaya ang buhay nila. Napapaisip ako kung ano kaya napanood nila sa mga panahong iyon na wala kaming Tv.

Noong araw naisip ko na gusto ko tumira doon sa parteng iyon ng subdivision. Hanggang ngayon pa rin.

3.
May nakagawian na ang subdivision namin kapag brownout. Kapag sa araw ito naganap, kung saan abala pa lahat ng mga tao sa kanilang ginagawa, sabay-sabay silang magbu-"boo". Tapos kapag nagka-ilaw naman sabay-sabay din ang "yehey". Hindi pa rin ito nagbabago hanggang sa ngayon. Pasa pasa lang ang tradisyon dito sa amin.

4.
Isa rin ang paliligo sa ulan. Sobrang customary yan. Lalo na't nasa tapat lang namin ang basketball court. Dati isa sa pinaka-enjoy na gawin ang paliligo sa ulan. Paano e parang pinag-sabay mo na rin dito ang paggawa sa dalawang bagay: ang paglalaro at paliligo.

Karaniwang opposite actions ang dalawang bagay na yan. Kapag naliligo ka, hindi ka pwedeng naglalaro at maglaro. Kapag naglalaro ka naman, hindi ka pwedeng naliligo o kakaligo lang. Kaya naging masaya ang paliligo sa ulan dahil napagsasama mo itong dalawang contrasting actions na ito.

5.
Isang magandang praktis sa aking pagtitiis ang nangyaring brownout at bagyo. Biruin mo, dalawang araw na walang kuryente at kung anumang komunikasyon, at hindi ako nasiraan ng ulo at nagwala.

6.
Sa mga panahon ng sakuna, umiiral ang "save what's important" na ideya. Walang masama rito. Hindi mo ito maiiwasan. Sa mga panahong ganito kasi umiigsi na ang iyong ordinal list ng mga bagay na importante. Halimbawa ito ang listahan ko:

1. Relatives and friends
2. Mga kapitbahay na kilala ko
3. Mga kapitbahay na hindi ko kilala
4. Mga hindi ko kapitbahay at hindi ko kilala
5. Cellphone

Kunwari yung list na yan ang top 5 important things mo. Tapos dumating na yung bagyo, so lahat kayo maglalanguyan at tipong ikaw din naman ang pinaka-makisig sa iyong pangkat ikaw ang magsasalba sa natitira. Sa pagsalba mo, aalalahanin mo yung iyong listahan, pero sa panahong ganito iiksi na lang ito dahil nandyan ang oras at ang oras ay kalaban. Kaya ang tanging matitira na lang ay:

1. Relatives and friends
2. Mga kapitbahay na kilala ko.

Wala ng magagawa ang iba kung ito lang ang kaya ng aking kakisigan. Turuan mo na lang sila lumangoy. Kung titignan natin ang listahan ni Richard Gutierrez, pang-ilan kaya si Cristine Reyes? O hindi si Cristine Reyes ang nasa listahan kundi "career advancement" lang? Ewan, di natin alam.

7.
Pakiramdam ko talaga na basura ang dahilan kung bakit naging ganun na lang ka-grabe ang mga pagbaha. May ilan kasi marumi pa rin ang pamumuhay.

Naalala ko dati sa TV na may isang foreigner na nagsabing "Filipinos are a bunch of filthy pigs.". Di ako sure kung totoo ngang may nagsabi niyan o gawa-gawa ko lang. Di ko mawari kung imahinasyon ko lang na may nagsabi nun eh, kasi nung lumabas sa isipan ko yung kataga, mukha itong totoo.

Minsan hindi katiwa-tiwala ang mga basurahan kasi oo nga't itinapon mo ang iyong basura sa isang basurahan pero hindi mo alam kong saan itatapon itong basurahang ito. Tulad na lang ng biodegradable at nonbiodegradable na trash cans. Kapag susundan mo itong mga basurang ito sa iisang bin din sila mailalagay. Nakalagay pa dun sa bin: nonbiodegradable/biodegradable.

8.
Ang ironic sa amin eh sa gitna ng malakas na ulan at bahang lansangan, wala kaming tubig.
 


photo taken at: news.asiaone.com/.../20090927.121823_strand.jpg

(Leave a comment)

September 14th, 2009


10:22 pm - A list of things
1. Maihahalintulad ko ang aking sarili sa Stock Market - volatile.
2. Gumagana rin pala ang momentum sa pagbabasa ng libro. Minsan mo lang pigilan magbasa at makipag-usap sa tao, hindi mo na babalikan pa ang pagbabasa.
3. Gusto ko magtrabaho. Pero ayaw ko pa. Pero gusto ko na. Kitams, volatile di ba.
4. Sobra na ang fixation ko sa mga chapters, lists at outlines. Di ko alam kung bakit.
5. Lahat ng sinasabi natin ay re-presentation. At dahil may "re" ibig sabihin mahalaga ito dahil ito'y naulit.
6. Naniniwala pa rin ako sa karma. Ilang buwan na itong consistent na gumagana sa akin.
7. At sa superstition din. Naniniwala akong malas ang aking brown na polo. (Wala akong magagawa, blue at brown lang ang palagi kong sinusuot na polo at hindi ko naman pwede abusuhin ang paggamit sa blue dahil may karapatan itong malabhan.)
8. Gusto ko talaga matuto ng micro-expressions.
9. Gusto ko rin matuto ng batas.
10. Gusto ko magsulat ng isang kahindik-hindik na krimen.
11. Nahu-hook na ako sa Bloomberg Channel.
12. Kami lang yata ang may TV na walang channel 2 at 5 at 9 at 7 pero may MTV at Channel V at Bloomberg Channel.
13. We get things at the gettin' place.
14. Nakamamatay ang prinsipyo.
15. Ang pinaka-interesting na tao ay lumalabas kapag Biyernes ng gabi, mga tipong hatinggabi. Makakasabay mo sila palagi sa jeep.
16. At kung makasabay mo sila sa jeep, interesting ka rin bang maituturing?
17. Pakiramdam ko oo. Dahil ang nagdedetermine sa pagkatao natin sa sandaling iyon ay ang time at space.
18. Yung past parang hagdan lang yun na inaapakan mo para mapunta sa isang certain time at space.
19. Weird di ba? Ganun talaga ang train of thought ko.
20. At kahit gaano ka-illogical ang aking mga sasabihin ay logical pa rin ito.
21. Dahil logical ang mga illogical nating sinasabi. (baka makatulong ang number 5.)
22. Wag kayo maniniwala sa akin. Pinapahaba ko lang ito.
23. Kung sinabi kong "wag kayong maniniwala sa akin" maniniwala ba kayo sa sinabi kong iyon?
24. Ako hindi. Malamang kasi ako nagsulat niyan.
25. Dati nabasa ko sa isang pamphlet na pinanganak daw si Kristo nung Oktubre, kung saan maraming mga tupa.
26. Sabi kasi sa bibliya maraming tupa raw nung pinanganak siya.
27. So baka ka-birthday ko si Kristo. Si 'bro.
28. Kapag nag-aral sa La Salle si Santino, dude na tawag niya kay Kristo.
29. Kapag lumaki naman siyang tambay, pare na.
30. Kung kabarkada ko siya malamang tsong na tawag niya.
31. Ang pangit pala ng Hancock. Tipong nag-cringe ako nung nalaman kong superhuman din pala ang babae. Ang pangit talaga.
32. Ang galing ni Bruno. Ang dapat talaga na starring sa pelikulang iyon ay ang mga taong nagrereact sa kanya sa pelikula.
33. Sa aking gilid ay may isang office chair.
34. Sa aking harap naman ay may isang laptop.
35. Nakasandal ako sa sofa.
36. Nakaupo ako sa sahig.
37. Tiwala pa rin ako sa aking mental note.
38. Hindi ko alam kung paano ito tatapusin.
39. Train of thoughts kasi ito eh.
40. So kapag tinapos ko ito kailangan ko tapusin itong buhay ko.
41. Ay wait, may medium pala. Eh kung iyong paggamit na lang nun ang tapusin ko?
42. Oo. Okay yun. Hindi na titigil yang train of thought mo eh.
43. Oo nga.
44. Puta ano ba ba hinihintay mo?
45. Puta minumura mo ba ako?
46. Puta matindi pa rin doubt mo kung namura ka nga o hindi. Makinig ka kasi. May context ang pinag-uusapan nating dalawa. Hindi mo na kailangang mag-doubt pa.
47. Ows? Sino nagsabi?
48. Hay!
49. (silence)
50. Mahirap ito. Tumigil ka nga sa kaka-doubt.
51. Bakit naman?
52. Putangina. Putangina talaga. Mauubos buhok ko sa iyo. Putangina. Putangina!!!
53. Hindi yan.
54. Ah alam ko na.
55. Ano?
56. Nag-eexist ka.
57. Talaga? (biglang nawala)
58. Hay salamat. Walang asungot. Pero teka, ano na ba gagawin ko rito?
-end-

(1 comment | Leave a comment)

August 2nd, 2009


10:43 am - On job-hunting

There's a state, our religion says, called limbo. I call it (frictional) unemployment. The grace of not knowing what's next and the glorious, yet haunting, past are the only things with you at that moment. This past is your baggage: some goods, rotten or ripe, that you must sell. And they're exhaustible, so consume you must, yet consume wisely.

But take heed of much prudence, excess would not do. You walk with a baggage and a mile to you can tire. Remember that your purpose is to sell your baggage, not yourself - oftentimes these are confused.

What about those who carry nothing? Them? They are the fortunate, they walk with ease, they don't worry much about loss, though they can still gain from their trade.

 


(Leave a comment)

June 13th, 2009


11:05 pm - Pagha-hunting

[2005]

Anim kami sa tropa at puro kami lalaki. Pito dapat kami kaso yung isa palaging nagliliwaliw, kinakamusta yung mga katropa niya nung highschool. Ayun, ayos ito, mukhang pare-pareho kami ng trip. Kung kalokohan, kalokohan, kung aral, puta, aral. Pero syempre kahit na sabihin kong pare-pareho kami ng trip iba-iba din kaming mga tao. Mayroon sa amin adik na adik sa pagbubuhat, pero hindi naman halata sa katawan niyang adik siya dun. Mayroon isa, athlete, at kung kumain akala mo uubusan. Yung pangatlo, sobrang maloko, lahat ng kalokohan alam, pero mabait namang kaibigan, kung tropa, tropa siya. Yung isa sobrang tahimik, at dahil sobrang tahimik niya pinagtitripan namin siya. Pero medyo takot ako sa kanya kasi baka mamaya banatan niya ako: malaki siya, maliit lang ako. Yung huli siguro siya yung masasabi kong pinakamabait sa amin, tahimik din siya pero hindi kasing-tahimik ng isa kanina at inaasar din namin siya. Tangina napaisip ako, bakit lahat yata ng tahimik kinakantyawan dito? Kaya ayun, medyo nag-ingay ako, kahit gibberish lang, total wala namang makaka-intindi eh. Oo nga pala, ako yung mabilis magsalita sa amin.

Unang lunch namin, kumain kami sa canteen. Puno kasi yung mga kainan sa labas kaya ayun, nagtiyaga na lang kami, tutal wala naman kaming kaartehan sa pagkain. Nung pumasok kami sa canteen nakita namin yung ibang mga kaklase namin, at iyon, sumama na rin kami.

Nadagdagan kami ng dalawang kakwentuhan. Pareho silang singkit, yung isa madada na parang 7/11 ang bunganga dahil hindi siya mapigil sa kakasalita. Yung isa naman medyo tahimik, pero kung magsalita siya medyo nawi-weirdohan kami, basta kapag nagsalita siya alam kong intelektwal ang kanyang nasabi. Kung isang pagkain lamang ang pagkekwentuhan, malamang itong dalawang ito ang aming "missing ingredient".

Putangina ang ingay namin nung mga panahong iyon. Para kaming mga manok na ikinulong at sabay na inabot ng gising ang umaga. Medyo random yung kwentuhan: yung klase kanina, yung ingleserong propesor at yung sumunod na inakala naming janitor, susunod na subject, high school namin, at kung sino yung tipo naming babae sa klase. Tulad ng ibang usapang lalaki, tumagal ang usapan namin sa huli.

Nagtanungan na kami kung sino yung tipo namin sa klase. Yung iba isiniwalat na yung mga gusto nila, parang pare-pareho. Tangina, mahirap iyon dahil kung tipo mo nga yung isa at seryoso kang tipo mo yun malamang popormahan mo, at kung medyo pareho kayo e wala na, gera na ang susunod. Kaya ayun, inisip ko muna yung sasabihin ko, total hindi ko trip yung gusto ng mayorya.

Nang tanungin na nila ako kung sino yung tipo ko hindi muna ako sumagot. Gusto ko sana sabihing wala pero kalokohan iyon, sabi nga ng mga kalaro ko nung kinder kami "everyone has crushes", puta talo ko pa kinder kung umatras ako. Sinabi ko na lang hindi ko kilala yung babae, at wala rin siya sa lugar na pinagkakainan namin, subalit hindi nila ako pinatakas at pina-describe na lang nila sa akin yung babae. Tangina, mahirap 'ka ko, hindi ako magaling sa mga ganung bagay. Nagmasid na lang ako sa canteen upang maghanap ng kahit anumang description, balak ko kasing mandaya, wala pa akong naiisip sa panahong iyon na titipuhin. Tumingin ako sa likod, sa mga gilid, at sa harap sa kalayuan, at dun, saktong-sakto, nakita ko na.

"Siya"

Ngumising parang mga ewan ang mga loko, may nagsasabi sa mukha nila na magaling ako pumili.

Pero nakadaya pa rin ako, dahil hindi naman namin iyon kaklase. Pero kakilala yata ng isa sa amin.
 


Current Mood: [mood icon] nostalgic
Tags: , , ,

(1 comment | Leave a comment)

10:04 pm - Bagong Tropa

[2005]

Hindi pa ako nakakakita ng ganito karaming tao sa tanang-buhay ko. Pawang naghalo na yata ang iba't-ibang uri ng tao rito -- mula sa mayayaman hanggang sa mahihirap, matatanda hanggang sa bata, balahura't mahinhin. Yung mga lalake nasa kaliwa ko, habang ang mga babae naman nasa malayong kanan subalit mayroon pa ring ilan dito sa aking kaliwa -- siguro nalayuan sa lalakarin, o nag-aabang paupuin ng mga maginoo. Nagkumpol-kumpol ang lahat ng tumunog ang tren, at sa bawat paglapit nito bumubuo ng ilang espasyo ang mga nagkumpulang katawan -- upang lumipat lamang sa kung saan mas nakararami. Nasa harap na namin ang tren, tumunog ito at biglang bumukas ang pinto. Putangina, gera ba itong pinuntahan ko. Putangina, may tumulak sa akin sa likod. Putangina, yung braso ng isang lalake nasa leeg ko na. Mga putangina talaga, sana naligo man lang. Pero buti na lang at naitulak ako dahil kundi rito hindi ko masasakyan ang treng ito.

Pumwesto ako sa gilid ng mga upuan malayo sa pintuan, doon na kasi ang pinaka-maluwag. Nung nakapuwesto na, pinilit ko na lamang abutin ang nalalapit na railing para alalayan ako sa bawat galaw ng tren. Kahit medyo mabaho at siksikan noong mga umagang iyon, tumatalon naman ang tiyan ko sa tuwa.

Hindi ko namamalayang napapangiti na lang pala ako ng basta-basta -- buti nakita ko ang inutil kong repleksyon sa salamin na ngumingisi ng parang tanga. Unang araw kasi ng klase sa kolehiyo, nakakatuwa. Gusto ko kasi yung mga ganitong araw -- yung tipong may "unang" nakakabit, dahil kapag ganoon malamang bagong experience na naman, parang bagong buhay. Tuloy lang ang ugong ng tren na maya't maya'y humihinto para magsakay pa ng ibang pasahero. Tangina, ang hirap isipin na kolehiyo na ako. Parang nung isang araw lang nung naka-uniporme pa ako. Parang kahapon lang kasama ko pa sa silid-aralan ang mga taong matagal ko ng kasama. Puta, na-miss ko tuloy yung mga kumag, nasaan na kaya sila? Sana magkita kami sa kolehiyo? Kami-kami pa rin ba hanggang ngayon?

Ewan, kung hindi man malamang may bagong tropang susulpot sa kolehiyo, pero sana sa tipong "cool" ako mapasama, pero yung tipong hindi mga lakwatsa lang ang iginising sa bawat araw -- mahirap na mapasama sa ganun, mahina resistensya ko sa "peer pressure". Ayun, napaisip tuloy ako, sino kaya mga magiging kaklase ko? Tangina, sana masaya, sana hindi killjoy, sana may maganda, yun lang bumubuhay sa araw ko e.

Sa wakas bumukas na ang pintuan ng tren
-- Vito Cruz station, here I come.

Dali-dali akong bumaba ng istasyon, sabik na akong makapasok sa eskwela, sabik na akong maging kolehiyo.

Nakapasok na ako ng eskwela. Ngayon, sa classroom na lang. Binuksan ko yung bag ko upang hanapin ang aking schedule, putangina, alas-siyete pala simula ng klase, alas-siyete na at hindi ko pa alam kung saang silid ako susuot. Buti na lang maraming tao dun kaya nakapagtanong ako.

Ayun,madali lang pala. Hahanapin ko lang yung pinaka-magarang gusali tapos sasakay ng elevator at aalis sa ika-apat na palapag. Hanapin ko lang daw yung numero ng silid sa taas ng bawat pintuan sa palapag na iyon, kaya ayun naglalakad akong nakatingala. Matapos ng pang-limang pintong aking sinipat, nakita ko rin ang aming silid.

Medyo late na ako kaya hindi na ako nakapili ng upuan, at nakontento na lamang ako sa harapan. Nakakatawang isipin pero sa highschool kapag late ka sa unang araw mo ng klase malamang sa hulihan ka mauupo, pero rito sa harapan palagi ang bakante, baliktad siguro ang patakaran dito, pero kung baliktad man o hindi wala akong pakialam, kaya ko namang mag-adjust.

Nagulat akong isang pari ang aming unang guro sa kolehiyo. At putangina, english speaking si gago, hindi ako handa sa ganito. At eto na putangina, dahil late ako nakuha ko ang atensyon niya at putangina tinanong niya ako sa ingles, putangina talaga.

"Why are you late?"

"Sir, trapik" - at "p" talaga ang bigkas ko sa "f" noon.

"Okay. Next time don't come late."

"Yes sir."

"Brother"

"Brother"

Unang araw ng klase at nasabon ako, masamang pangitain ito pero okay lang, at least may presence na ako sa klase.

Nakaka-antok ang unang klase, o ewan, baka hindi ko lang naintindihan ang uri ng ingles niya. Ang alam ko lang nagtatakbo siya sa classroom, at nagpakilala kami sa klase at kailangan ding tugma ang description mo sa iyong sarili sa unang letra ng iyong pangalan.

"Hi, i am Joel. And I am...jolly"

Bullshit yun, hindi yun totoo. Gusto ko sana sabihing "jovial" pero hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang iyon.

(Jovial, ibig sabihin Jolly din), puta kahit pala ito sabihin ko parehong stir din.

Natapos ang unang klase at dumaan na ang pangalawang propesor. Nung una inakala namin na janitor siya na naka-toka sa pag-aayos ng aircon na sa panahong iyon ay sira. Pero alas, siya pala ang guro at alam niyang inakala namin na janitor siya. Nakakatawa itong propesor na ito, medyo bumilis ang oras sa kanya, subalit bumigat naman ang bulsa ko dahil pinabibili niya kami ng isang mamahaling libro. At dahil sa sobrang pagkaligalig ko sa pagpasok sa kolehiyo nalimutan ko na ang isang synonym ng edukasyon: gastos.

Break time na pagkatapos. Nagsisilabasan na ang mga kaklase ko. Sa highschool kapag breaktime kasama ko madalas ang aking mga kaibigan. Hindi ko naranasang mag-isa noong highschool, baka ngayon lang. Buti na lang naalala pa ako ng mga nakausap kong mga kaklase mga ilang araw lang bago mag-simula ang klase. At iyon, sila na siguro ang barkada ko sa kolehiyo.
 


Current Mood: [mood icon] awake
Tags: , , ,

(Leave a comment)

12:25 am - Paano kung techy na noong panahon ng mga Kastila?

May facebook si Rizal at ito ang gagamitin ng mga Kastila sa pag-track sa kanya. I-view lang nila yung mga photos ni Rizal at sisilip lang sila sa blog nito upang malaman kung nasaan na siya. Sa blog din nila makikita ang sneak peak ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Pwede rin sa twitter, titignan lang nila ang mga "tweets" ni Rizal (ang laswa pakinggan).

Dahil kolonya ng Espanya noon ang mga Pilipino, bawat indio ay mayroong facebook, multiply at twitter account. Dun kailangan nakalagay na Indio ka nga. Kitang-kita rin ang hate ng mga Kastila sa mga Indio sa pamamagitan ng forums.

Downloadable ang Noli at El Fili nun, at bago mo ito madownload maglalog-in ka muna sa isang site na ginawa ng mga Kastila bilang paraan ng kanilang pag-censor dito. Kapag naglog-in ka dun, tiyak deds ka na bukas.

Hindi na kailangang pumunta ni Pio Valenzuela kay Rizal para humingi ng basbas sa kanya para sa isasagawang rebolusyon ng Katipunan. Iya-YM na lang ni Valenzuela yun, at pwede rin silang magconference nila Bonifacio.

Yung mga Pilipinong achuchu ng Kastila, gagawa ng scandal na si Rizal ang starring para siraan siya sa harap ng mga Katipunero. (Pero yung mga Katipunero, pagpipiyestahan ito, at ibang espada ang mahahablot nila kapag ganito)

Hindi na rin kailangang magtipon ng mga Katipunero sa Pugadlawin, magcoconference na lang sila gamit ang YM.

Naka-"Karma Freeze" si Aguinaldo nung pumunta siya sa Hongkong para i-exile. (Tulad natin, gusto rin niyang umabot ng Nirvana)

Si Rizal din naka Karma Freeze habang nasa Dapitan. (bawal computer dun.)

Alipin din ang mga Indio sa Farm Town at sa Restaurant City ng mga Encomiendero. At hindi Farm Town ang tawag nila dito, subalit "Hacienda".

Nakakapagrecruit ang Katipunan sa pamamagitan ng Mafia Wars. Ito rin ginagamit nila sa practice kasama ng DoTA, CounterStrike at RF.

Paboritong laro naman ng mga Kastila ang "Pet Society" kung saan maaari silang makagawa ng sariling bersyon nila ng Indio.

Sa halip na magsagawa ng Sanduguan ang mga Katipunero, magpapa-fan lang sila sa isang Facebook account kung saan nandun lahat ng mga pledge nila sa Inang Bayan. At syempre private ang account, pero malamang maraming mga achuchu.

Ang Kartilla ang Terms and Conditions ng pagsali sa nasabing site. (Wala kang babayaran dito, itataya mo lang ang buhay mo.)

Downloadable ang Lupang Hinirang sa MySpace ni Julian Felipe.

Magpapacontest si Aguinaldo ng pagandahan ng bandila, at mananalo si Marcela Agoncillo. At tulad ng mga nangyayari ngayon, magkakaroon ito ng leakage at lalabas ito ng mas maaga sa mga wallpaper ng bawat Filipino.

Magkakaroon ng hidwaan ang Magdalo at Magdiwang dahil hindi sinasagot ni Bonifacio ang text sa kanya ni Aguinaldo. (Paano, wala kasing load itong si Bonifacio.)

(Take note, isa lamang itong attempt sa pagpapatawa. Huwag seryosohin.)



Current Mood: [mood icon] exhausted

(Leave a comment)

May 27th, 2009


03:08 pm - The Routine
Wake up at around 9am. Catch breakfast. Shoo my brothers and sisters off the sofa so that I could watch basketball (bully? but sometimes they voluntarily go) until 12 pm. Eat lunch. Go to the computer and do whatever things are doable there (read/listen/write). Eat merienda at 4pm. At 5pm go outside to read. Take a bath at 6pm, then off to my room to listen to some music until somebody calls me for dinner. Watch TV after dinner (Basketball ulit, replay, o kung anong movie ang mayroon sa bahay). Sleep when game / show's over. Kitams, busy pa rin ako sa kung anong inanity ang dumaan sa akin. Nakakatangang buhay 'to.




wordpress com stats plugin


Current Mood: [mood icon] bored

(1 comment | Leave a comment)

02:59 pm - Run, Manny, Run

For all those against Manny Pacquiao running for politics, maybe they should shut up and instead say: "Hey, why don't we let him run?"

True enough. We must let him run, no matter how obvious the masses is against his decision. If he ran and in case he won, we will have a hunch that what goes into his projects as a politician is somewhat involved in boxing. Maybe a free boxing gym and education for everybody, or a budget stimulus to Filipino athletes, or vigilante-like rule where policemen are armed with iron-fists instead of their cute batutas. But then Filipinos have this opposition on celebrities running for office. They seem tired of fame used as a vehicle for politics. This tells us that there is still a majority of believers for true leaders, not personalities and entertainers. And this kind of sentiment lurking on the masses' mind is, for him, detrimental.

But then we should not discourage Manny on his political aspirations, because after all, we are in a democracy, and everybody has the right to run for office. If we don't want him in politics then let us not vote for him, let us teach him the harder lesson.

I have a theory here that one reason people are urging him not to run is that because they knew that he will win, albeit illegally (the other one is Philippine boxing's demise, but then he has the freedom of scheduling his fights, and he could cancel fights during the campaign period). Pacquiao has earned alot from his boxing and sponsorship earnings, he also have politicians under his belt, and that, along with fame, is a deadly combination of potential election fraud. I am not saying that he will cheat to win, but I am saying that people think that it will happen.

The problem here are our malicious assumptions -- we should always discount the probability of fraud in elections as if it is inevitable and necessary. If we want the country to be clean of fraud and corruption, we should erase these concepts in our head and instead start right. Taking these things into consideration is like legitimizing fraud in a way that it becomes now an option.


Current Mood: [mood icon] curious

(Leave a comment)

May 1st, 2009


10:10 pm - Stranded sa center isle, sa gitna ng malakas na ulan

Baha noong Miyerkules sa kahabaan ng quirino at taft at ang tangang bus driver na dapat ay inihatid ako diretso sa La Salle ay ibinaba ako sa quirino, sa gitna ng abot-tuhod na baha, na pinagkamutan na ng ulo ng mga pedicab driver at ng ilang mga taong stranded sa pirasong sementong nailigtas mula sa tubig. At umuulan pa rin ng malakas nun, at ako lang ang tanging tao doon na walang payong. Matingkad na asul na ang aking polo dahil sa pagkabasa at sira na rin ang inengineer kong buhok na pinag-alayan ko ng 30 minuto para ayusin. Pero wala na akong paki-alam kung anong itsura ko nun. Ayaw ko ng mag-inarte sa aking pananamit at kaanyuan sa kabila ng gatambak na problemang buhat ko noong mga araw na iyon. Kung yung mga bata, masayang nagtatampisaw sa baha, ako naman minumura ang kalangitan sa ikatlong araw ng sunod-sunod na kamalasang dumating sa akin.

Pero sige, umulan ka lang 'ka ko. Kailangan ko yan. Anong karapatan nating magreklamo sa ulan kung gusto nga nitong ibsan ang init ng paligid.



(1 comment | Leave a comment)

10:10 pm - Ang casualties, so far

Ang dami ng naging casualties ng aking pagiging "disiplinado". Nandyan ang year-end, ang scheduled trip ko bukas, at siguro pati na rin yung mga trip ko sa hinaharap.

Unti-unti na ba akong kinakain ng trabaho, eskwela?


(Leave a comment)

April 18th, 2009


10:25 pm
What hurts was that I devoted my time to studying all my subjects instead of fulfilling my passion. An opportunity got lost in the process, and another one will surely be lost again. I thought I wasted my time not doing what I love, and I have to wait to keep up for lost time.

(Leave a comment)

10:03 pm
I know that some people shun their failures aside and keep on with their life as if nothing had happened. That is noble, but I am different. I am not conscious of my grade, I'm conscious of my ego. The fact that I would return to school to do this subject again means that I haven't learned anything. I learned a lot on that subject, mind you, It was just negligence on my part not to deliver rightfully on the final exams (if that was indeed the cause of my failure). The debate about studying hard and studying smart came into my head that time, and, having a sense of comfort on the power of the mind than of body I chose the latter. I trust my understanding as usual since it has guided me for years, and it has been vital on my achievements. But come exam time, my mind was blocked.

People who knew me well could speak a bit about my ego. They knew that I have a huge one, and it was what propelled me to become what I wanted to be. It has been continuously swinging from being an element for progress or disaster, but I trusted it like I trust my understanding since I knew I have a full grasp of it. People who also knew me well could attest that I wasn't really a fan of my course. I pursued it so that I will have a wider perspective about life. It sucks to be purely an activist without knowing the cause.

(Leave a comment)

09:41 pm
What if my plan at bargaining failed?

I will use the three months to maximize my library account. I would read a lot so as to lure myself away from the failure that I know will haunt me at times in the future. I don't have a reading list on hand because I like unplanned discoveries. If lucky maybe I could get a part-time job. If not, then I'll spend my time at home, maybe writing or reading, or helping out in our publication.

It is unlikely for me to believe that we are all following a "grand plan" , but this time I am holding onto it for consolation. I believe that I failed because I am not yet ready to leave the university. I believe that there's still some things for me to learn before I work, that there are still things to be experienced. It is these beliefs that make this failure promising.

I remembered that I argued with my parents some months ago about my desire not to graduate early. It was because during that time, I felt that I wasn't ready yet for work and that there are still some things to learn. Add to that the fact that I am at that time unsuccessful of finding a company for my on-the-job training. But this is still different, I didn't prepare myself for failure.

(Leave a comment)

09:23 pm
So what was my initial reaction upon finding out that I failed? At first i did not believe it, I kept pressing the refresh button on the sceen, but the dreary zero's wouldn't change. Then I talked to some of my friends for some counselling and all they said that I should try to bargain for my grade (which was in my plan from the start). Then frustration kicked in. I realized that I wasn't able to graduate the next term, that I will be repeating the subject and that she will be the teacher again and that time for me would be three months of mockery. I kept on tapping on my desk real hard with random curses shouted at nobody. It was almost midnight then, and everybody was asleep, and I don't want to wake my parents to listen to a bad news. The fact that I was virtually alone in the room was even frustrating since I was venting my frustrations in the air, it felt like I was talking to nobody, lamenting to some unchangable fact. I couldn't sleep that night, I tossed and turned at bed, the curses still came out at random. I slept due to tiredness, after a few more hours of unease.

Morning came, and the burden that I carried last night was a little light. I figured that it would not come around again heavily on me if I would just find something to do. So I watched TV, ate and listed to some music. I watched a movie after lunch, snacked late afternoon, then took a bath. It was just this evening that I informed my parents of my state -- at first they were irate, but moments later it was as if nothing had happened. I kept on opening the topic during dinner to find in them some consolation, but they weren't responding. Maybe they were hoping too, that I would successfully bargain my grade.

The fact that I wasn't able to open to express my feelings through writing means that some hope still remains in me.

(Leave a comment)

09:15 pm

Yesterday night I saw from the my.lasalle site my future. A prolonged term -- I failed operres. I wasn't able to bargain for the grade since I wasn't there and had to attend to something, so a faint light of hope still lingers on me. And I have to ask certain people to either put out or validate my hope. I'm going to go bargain for my grade on April 21 (the exact course card date). I wouldn't want the usual me to come out, since I foresee that if I let myself loose on that day, it would be hell for me.  By the way, I don't like using the word "bargain" here in this context but I used it anyway because I'm in a rush.
 


(Leave a comment)

December 29th, 2008


01:01 am - The mask that masks the mask

The thing with masks is that it has the supreme ability to conceal things. And with that ability there’s no doubt that it could conceal even itself. When that happens there can be no tinge of doubt anymore about being naked: the internal disquiet will be put into a halt, guised as self-assertion, the forefather of confidence. This leaves us well equipped for untowardly elements – those we may shun at the very instance of our whim, break at the sudden chafing of the flesh.


With these masks layered onto us by time through the incessant prodding of our needs our eternal pursuit in life has now become a blur. The look forward is now the rear end of the mask, the slightest figure of a silhouette of our dreams. We may want to see it but we cannot: we are donning a mask and the mask that masks the mask is the culprit of our complete blindness: we do not know that there is a need to take something off. The only thing we could do to retrieve our sight is to manipulate the usage of time by retrospection, when our layers of masks are thinner and the scene forward is much less than vague. The truth about life is unveiled to us in the onset; it only eluded us since it was beyond our comprehension at that time. And now that our faculties have become ripe, the look back has been much more profound than promised, much divined than versed.


(Leave a comment)

> previous 20 entries
> Go to Top
LiveJournal.com

Advertisement